Sa pagtatapos ng Semana Santa,nagkaroon ng pagkakataon si CamNorte 2D Representative Rosemarie Panotes na makapagnilay at muling mapalalalim ang kanyang pananampalataya.
Nagpaalala rin siya na ang mga araw na ito ay paalala sa kahalagahan ng pananampalataya, pagpapatawad, at pagbabalok-loob sa Diyos. Sa panahong ding ito ay nakasama niya ang kanyang pamilya at muling humingi ng paggabay at lakas upang mas mapaglingkuran pa ang Segundo Distrito ng Camarines Norte.
Hiling pa ng kongresista – “Nawa’y dala natin ang liwanag at pag-asa ng muling pagkabuhay ni Kristo habang sama-sama tayong humaharap sa mga bagong hamon ng buhay.”







Photo courtesy: Congw. Rosemarie Panotes/Facebook