Sa isang matagumpay na buy-bust operation bandang alas-10:32 ng gabi, Abril 22, 2025, nasamsam ang hinihinalang iligal na droga, baril, at bala sa Barangay Gabon, Talisay, Camarines Norte. Pinangunahan ito ng pinagsanib na puwersa ng Talisay Municipal Police Station katuwang ang Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, RPDEU, PNP DEG SOU5, PDEG SOU5 at 503RD MC RMFB5, ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV.
Naaresto ang suspek na kinilala sa alyas na “ROY,” 46 taong gulang, residente ng Barangay Talobatib, Labo, Camarines Norte.
Nakumpiska mula sa operasyon ang hindi pa natutukoy na timbang at halaga ng hinihinalang shabu. Bukod dito, nasamsam rin ang isang cal. 38 revolver na may anim na bala. Ang pag-iimbentaryo ng mga ebidensya ay isinagawa sa presensya ng halal na opisyal ng barangay, at kinatawan ng media.
Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Talisay Municipal Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon. Kasalukuyang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa suspek para sa paglabag sa Republic Act No. 9165 at Republic Act No. 10591 in relation to COMELEC Gun Ban.
Ang inyong Pulis Bantayog ay nananatiling determinado sa laban kontra iligal na droga at patuloy na nananawagan sa publiko na makipagtulungan upang sugpuin ang pagkalat nito sa komunidad.
Source: CNPPO PIO