LALAKING TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, TIMBOG SA BUYBUST OPERATION

LALAKING TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, TIMBOG SA BUYBUST OPERATION

Naging matagumpay ang ikinasang buybust operation ng kapulisan ng Labo MPS katuwang ang mga operatiba ng PDEU/PIU, 503RD RMFB5 AT 2ND PMFC  ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV bandang alas 12:45 ng umaga nitong Abril 23, 2025 sa Purok 2, Barangay Bulhao, Labo, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si “ Chris“, 33 taong gulang, at residente ng Barangay Bakiad, Labo, Camarines Norte.  Inaresto ang nasabing personahe matapos na makabili sa kanya ang umaktong poseur buyer ng selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu (buy-bust item). Nakuha naman sa kanyang pag-iingat ang hindi pa natutukoy na timbang at halaga ng iligal na droga

Ang pagmarka, imbentaryo at dokumentasyon ng nasabing operasyon ay nasaksihan ng mga mandatory witnesses na kinabibilangan ng nahalal na opisyales ng barangay at kinatawan ng media.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng Labo MPS ang nabanggit na personahe para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda naman ang kaso para sa paglabag sa RA 9165 laban sa kanya.