SAMPUNG SENATORIAL BETS NG ALYANSA PARA SA BAGONG PILIPINAS INENDORSO NI SEN. LITO LAPID SA PROBINSYA NG PAMPANGA

SAMPUNG SENATORIAL BETS NG ALYANSA PARA SA BAGONG PILIPINAS INENDORSO NI SEN. LITO LAPID SA PROBINSYA NG PAMPANGA

INENDORSO ni Senador Lito Lapid ang sampung senatorial bets ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa apat na venues sa Pampanga ngayong araw.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Lapid na prayoridad nyang isulong sa senado ang agri-tourism, medical tourism at eco-tourism sa buong bansa para magkaroon ng pagkain sa mesa at makalikha ng trabaho, oportunidad at kita sa bawat pamilyang Pilipino.

Kasunod nito, ipinahayag nina Pampanga Governor Dennis “Delta” Pineda at Vice-Governor Lilia “Baby” Pineda ang buong suporta kay Senador Lapid at siyam na iba pang senatorial bets sa proclamation rally. 

Kabilang sa mga dumalo sa rally sina Senador Pia Cayetano, Senador Francis Tolentino, Senador Bong Revilla, Jr.  Cong. Erwin Tulfo, Cong. Camille Villar, Former DILG Sec. Benhur Abalos, Makati Mayor Aby Binay at Former Senator Manny Pacquiao at Tito Sotto III. 

Hindi naman sumipot si dating Sen. Ping Lacson sa nasabing rallies dahil sa karamdaman.

Photo: Team Sen. Lito Lapid