CAMARINES NORTE COLISEUM ISA SA GUSTONG MAISAKATUPARAN NI DATING GOBERNADOR EDGARDO “EGAY” TALLADO KATUWANG SI DAET MAYORALTY ASPIRANT RENATO”ATOY” MORENO

CAMARINES NORTE COLISEUM ISA SA GUSTONG MAISAKATUPARAN NI DATING GOBERNADOR EDGARDO “EGAY” TALLADO KATUWANG SI DAET MAYORALTY ASPIRANT RENATO”ATOY” MORENO

Isa rin sa mga proyektong nais maisakatuparan ni Dating Gobernador Edgardo “Egay” Tallado katuwang si Daet Mayoralty Aspirant Renato “Atoy” Moreno na magkaroon ng Coliseum ang lalawigan ng Camarines Norte. Layunin ng proyektong ito na magkaroon  ng isang modernong pasilidad na pwedeng pagdausan ng malalaking pagdiriwang tulad ng concerts, sports competition, conventions, at iba pang aktibidad.

Sa pagkakaroon rin ng Coliseum, mas mapapalawak ang oportunidad para sa turismo, negosyo, at trabaho para sa bawat CamNorteño. Magiging daan ito para makahikayat ng mas maraming investments mula sa iba’t ibang sector. Maaari rin itong makatulong para sa mga lokal na negosyo gaya ng hotels, kainan, transport services, at maging ang mga maliliit na tindahan sa paligid nito. Bukod pa rito, malaking tulong ito sa pagbubukas ng mga trabaho para sa mga kababayan— mula construction phase hanggang sa aktwal na operasyon ng Coliseum.

Ang proyektong ito ay hindi lamang infrastructure. Isa itong investment para sa kinabukasan ng lalawigan. Kaya habang maaga pa, mahalagang maunawaan ang kahalagahan nito at sama-samang suportahan ang hakbang na ito tungo isang maunlad na Camarines Norte.

Screenshot photo from Gov. Egay Tallado Facebook page