Arestado ang isang lalaki na kinilalang si alyas “Jayson,” 46 anyos, mangingisda, at residente ng Brgy. San Lorenzo, matapos ang matagumpay na anti-illegal drug buy-bust operation na ikinasa ng Sta. Elena Municipal Police Station katuwang ang PDEA Regional Office V, dakong 3:29 ng hapon nitong Abril 25, 2025.
Nasakote si Jayson matapos itong bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang operatibang nagpanggap na poseur buyer. Narekober din sa kanyang pag-iingat ang karagdagang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, marked money na ₱500, at isang itim na VIVO cellphone.
Ang pagmamarka, search, at imbentaryo ng mga ebidensya ay isinagawa sa presensya ng media mula sa Radyo Natin 99.3 FM at mga opisyal ng Brgy. San Lorenzo.
Ang operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng Sta. Elena MPS laban sa ilegal na droga, bilang suporta sa layunin ng PNP at PDEA na linisin ang komunidad mula sa ipinagbabawal na gamot.


Source: CNPPO PIO