LALAKING RANK 10 SA MUNICIPAL MOST WANTED LIST NG DAET, ARESTADO

LALAKING RANK 10 SA MUNICIPAL MOST WANTED LIST NG DAET, ARESTADO

Matagumpay na naaresto ng mga pulisya ang lalaking nakatala bilang Rank 10 sa Municipal Most Wanted Persons ng Daet, Camarines Norte. Nahuli ang suspek nitong Abril 25, 2025, bandang alas-12:30 ng hapon sa Purok 4, Barangay Awitan, Paracale, Camarines Norte.

Ang operasyon ay isinagawa sa pamamagitan ng pinagsanib na puwersa ng Daet Municipal Police Station bilang lead unit, katuwang ang Camarines Norte CIDG Provincial Field Unit (PFU).

Ang suspek, na kinilalang si alyas “Bulondoy,” 58 taong gulang, may asawa, isang magsasaka, at residente ng Purok 4, Brgy. Matango, Vinzons, Camarines Norte, ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong Acts of Lasciviousness in relation to R.A. 7610, alinsunod sa Criminal Case No. 19840. Ang warrant ay inisyu noong Setyembre 19, 2019 ni HON. EVAN D. DIZON, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 40, Daet, Camarines Norte, na may inirekomendang piyansa na P120,000.00.

Matapos ang pag-aresto, agad na ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan bilang isang akusado at dinala ito sa Camarines Norte Provincial Hospital para sa kaukulang medikal na pagsusuri.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Daet PNP ang suspek para sa dokumentasyon at nararapat na disposisyon.

Source: CNPPO PIO