Nitong Abril 26, 2025, dakong alas-12:10 ng tanghali, matagumpay na naaresto ng mga otoridad
si alyas “Geloy,” 52 taong gulang, binata, at residente ng Purok 7, Barangay Pag-Asa, Labo, Camarines Norte, sa pamamagitan ng isang intelligence-driven operation na isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Labo Municipal Police Station, Regional Intelligence Division-Regional Special Operations Unit 5 (RID-RSOU5), Provincial Intelligence Unit, at Camarines Norte 2nd Provincial Mobile Force Company.
Ang operasyon ay naisakatuparan batay sa Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Annalie Thomas Velarde, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 64, 5th Regional Court, Labo, Camarines Norte, kaugnay ng paglabag sa Section 10 (a), Article VI ng Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act), sa ilalim ng Criminal Case No. 15-2696 na may petsang Marso 12, 2025.
Kaagad na ipinaalam sa inaresto ang detalye ng kanyang kaso at ang kanyang mga karapatang konstitusyonal gamit ang wikang kanyang lubos na nauunawaan.
Sa kasalukuyan, si Geloy ay nasa kustodiya ng Labo MPS at isinasailalim sa tamang proseso para sa karampatang disposisyon ng kanyang kaso.

Source: CNPPO PIO