RPJ NILINAW ANG KUMALAT NA ISYU PATUNGKOL SA FAKE ACCOUNT NI CONGW. ROSEMARIE PANOTES NA IBINIBINTANG SA KANYANG PANIG

RPJ NILINAW ANG KUMALAT NA ISYU PATUNGKOL SA FAKE ACCOUNT NI CONGW. ROSEMARIE PANOTES NA IBINIBINTANG SA KANYANG PANIG

Pinabulaanan ni Dating Gobernador at Congressman Roy Padilla Jr. ang paratang na kampo niya ang may gawa ng Fake Account na ngayon ay nakakapangloko ng tao.

Ang FB Account na ito ay lumabas umano noong siya ay nagsumite ng kanyang kandidatura noong 2024.  Marahil ito ay paraan upang siya ay suportahan.  Dagdag pa ng dating gobernador/kongresista na hindi rin niya personal na nakilala ang tagasuportang  gumawa ng naturang FB Account.

Aniya pa, hindi niya ipagpapalit ang kanyang karangalan bilang Dating Gobernador, Bise-Gobernador at Congressman para lamang sa walang kwentang bagay (page/isyu).

Gumagawa na rin umano ng aksyon ang kanyang  kampo hinggil dito at nag-file na ng official complaint.  Tinawag rin niya ang atensyon ng Camarines Norte Anti-Cybercrime Cybercrime Investigation and Coordinating Center – CICC , COMELEC  at iba pang Governing bodies upang magtulungan sa isyung ito.  Bukas rin umano ang kanilang kampo sa kung anumang katanungan ukol dito.