Alas-8 palang ng umaga kahapon,Abril 26, sinuyod na ni Sen. Lito Lapid ang Lalawigan ng Bataan sa kanyang sariling Motorcade. Mainit ang pagsalubong ng mga kababayan natin kay Supremo ng Batang Quiapo sa pag-ikot sa Palengke ng Dinalupihan, Hermosa, Orani, Samal, Abucay hanggang Blanca.
Nang hapon naman, sinuyod rin ng senador ang mga bayan ng Pilar, Orion, Limay, Lamao, Mariveles, Bagac, at Samat, Bataan.
Taos-pusong nagpapasalamat si Sen. Lapid sa mga taga-Bataan sa mainit na pagtanggap at pagsalubonh sa kanya.
Sinabi ni Lapid na kung papalarin muli sa ikaapat na termino, maglilingkod siya ng tapat at malinis para sa taumbayan.
Marami ng nagawa si Lapid sa kanyang 3 termino bilang senador. Nagsumite si Lapid ng mahigit 900 na panukalang Batas, kung saan higit 100 ang naisabatas na, kabilang na ang Lapid Law o Free Legal Assistance Law (Libreng Abogado) para sa mahihirap na inaapi sa batas.
Higit 100 panukala rin ang naisumite niya sa ilalim ng 19th Congress.




Photo courtesy: Team Lito Lapid