LALAKI   ARESTADO SA IKINASANG DRUG  BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG PARACALE

LALAKI   ARESTADO SA IKINASANG DRUG  BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG PARACALE

Arestado ng mga tauhan ng Paracale MPS (lead unit), PDEU, CNPIU at CN 2nd PMFC sa ikinasang drug buy-bust operation ang isang lalaking  tulak ng iligal na droga dakong 10:30 ng gabi nitong Abril 29, 2025 sa Purok 3, Barangay Capacuan, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Boy”, 37 anyos, binata, isang minero at residente ng Purok 2, Brgy. Tugos, Paracale, Camariines Norte.

Ayon sa ulat,  sa nasambit na operasyon ay nakuha sa pagmamay-ari ng suspek ang4 na pakete ng hinihinalang shabu, isang Five Hundred Peso bill (PhP500.00) na may serial number AP3600323 at Eight Thousand Five Hundred Peso bill (PhP8,500.00) na boodle money.

Ang naarestong suspek maging ang mga nakumpiskang ebidensya  ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Paracale MPS habang inaalam pa ang kabuuang timbang at halaga. Inihahanda na rin ang kaukulang mga dokumento para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa suspek.

Source: CNPPO PIO