Nitong Mayo 3, 2025 bandang alas-9:00 ng umaga, matagumpay na isinagawa ang isang send-off ceremony sa Tanghalang Magiting Parade Grounds ng Camarines Norte Police Provincial Office bilang paghahanda sa darating na Pambansa at Lokal na Halalan ngayong taon.
Ang aktibidad ay pormal na sinimulan sa pamamagitan ng panalangin, accounting ng mga personnel na kabilang sa augmentation force at maikling programa. Ang mga Pulis Bantayog na ito ay ipadadala sa 12 municipal police stations upang tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa panahon ng halalan sa lalawigan ng Camarines Norte.
Isa sa mga tampok ng programa ang sabayang paghawak-kamay ng mga augmented personnel. Ang simple ngunit makabuluhang kilos na ito ay sumisimbolo sa kanilang taimtim na panata na tuparin ang tungkulin nang may integridad, patas na pagtingin, at ganap na dedikasyon.
Ang sama-samang paghawak-kamay ay nagsilbing kolektibong pangako ng mga kapulisan na poprotektahan ang halalan at titiyakin ang tiwala ng publiko sa prosesong elektoral.
Sa pamamagitan ng seremonyang ito, ipinakita ng CNPPO sa pangunguna ni PCOL LITO L ANDAYA, Provincial Director ang kahandaan at determinasyon nitong gampanan ang tungkulin para sa isang ligtas, maayos, at mapayapang halalan ngayong 2025.







Source: CNPPO PIO