LALAKING MAY KASONG FRUSTRATED MURDER, ARESTADO SA CAMARINES NORTE

LALAKING MAY KASONG FRUSTRATED MURDER, ARESTADO SA CAMARINES NORTE

Daet, Camarines Norte – Naaresto ng tracker team ng Daet Municipal Police Station, katuwang ang CNCIDG Provincial Field Unit (Lead Unit), ang isang lalaki na may standing warrant of arrest dahil sa kasong Frustrated Murder.

Isinagawa ang operasyon dakong alas-5:50 ng hapon noong Mayo 13, 2025, sa Barangay Binanuaan, Talisay, Camarines Norte. Naaresto ang suspek na kinilala sa alyas na “Ferne,” 53 taong gulang, walang asawa, walang trabaho, at residente ng naturang barangay.

Ang warrant of arrest ay kaugnay ng Criminal Case No. 13818 na inisyu ni Hon. Arniel A. Dating, Presiding Judge ng MTC Branch 41, Daet, Camarines Norte, noong Hulyo 10, 2009. May inirekomendang piyansa ang kaso na nagkakahalaga ng Php 200,000.00.

Agad namang ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan. Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Daet Municipal Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Source: CNPPO PIO