BABAENG NAKATALA BILANG REGIONAL MOST WANTED PERSON SA REHIYONG BIKOL, ARESTADO!

BABAENG NAKATALA BILANG REGIONAL MOST WANTED PERSON SA REHIYONG BIKOL, ARESTADO!

Naaresto ng mga awtoridad ang isang 19-anyos na babae na kabilang sa listahan ng Regional Most Wanted Persons sa rehiyon ng Bicol dakong alas-4:50 ng hapon nitong Mayo 14, 2025.

Kinilala ang suspek na si Akira, dalaga, at residente ng Happy Homes Southwood 2 Subdivision, Barangay Magang, Daet, Camarines Norte. Siya ay naaresto sa mismong lugar kung saan siya naninirahan.

Ang operasyon ay isinagawa ng tracker team ng Daet Municipal Police Station katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Camarines Norte Provincial Field Unit(lead unit). Inaresto si Akira sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Qualified Trafficking in Persons sa ilalim ng Criminal Case No. 2025-0165. Ang warrant ay inilabas ni Hon. Jeaneth Cortez Gaminde-San Joaquin, Acting Presiding Judge ng RTC Branch 20 sa Naga City, Camarines Sur noong Abril 11, 2025. Walang piyansang inirekomenda para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Matapos ang pagkakaaresto, dinala ang suspek sa tanggapan ng CIDG Camarines Norte para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Ang tagumpay na operasyon ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP laban sa mga most wanted persons at sa mga krimen na bumibiktima sa ating mga mamamayan.

Source: CNPPO PIO