LALAKI, ARESTADO PARA SA PAGLABAG SA SECTION 7 NG RA 9175 IN RELATION TO RA 10175 SA BAYAN NG MERCEDES

LALAKI, ARESTADO PARA SA PAGLABAG SA SECTION 7 NG RA 9175 IN RELATION TO RA 10175 SA BAYAN NG MERCEDES

Nahuli ng mga awtoridad ang isang lalaki na umano’y lumabag sa Section 7 ng Republic Act 9175 (Chainsaw Act of 2002) na may kaugnayan sa Republic Act 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) sa isinagawang entrapment operation sa Mercedes Fish Port, Brgy. 5, Mercedes, Camarines Norte bandang alas-11:40 ng umaga nitong Mayo 14, 2025.

Kinilala ang suspek sa alyas na Dencio, 36 anyos, isang construction worker at residente ng Purok 4, Brgy. San Roque, Mercedes, Camarines Norte. Siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga otoridad matapos ang matagumpay na operasyon.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Camarines Norte Provincial Cyber Response Team (CNPCRT) ng RACU5, katuwang ang Mercedes Municipal Police Station at PENRO Camarines Norte. Nasamsam mula sa suspek ang isang (1) unit ng secondhand chainsaw at isang (1) unit ng pulang Vivo 1906 cellphone.

Napag-alamang inialok ng suspek ang chainsaw sa halagang Labing-Apat na Libong Piso (₱14,000.00) sa Facebook Marketplace. Agad namang ikinasa ng mga otoridad ang entrapment operation matapos itong mamonitor online.

Sa ngayon, nasa pangangalaga ng CNPCRT ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya. Patuloy na inihahanda ng imbestigador ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Source: CNPPO PIO