LALAKI NA MAY KASONG QUALIFIED THEFT, INARESTO NG PULISYA SA BAYAN NG STA ELENA

LALAKI NA MAY KASONG QUALIFIED THEFT, INARESTO NG PULISYA SA BAYAN NG STA ELENA

Inaresto ng mga tauhan ng Sta. Elena Municipal Police Station kasama ang mga tauhan mula sa Camarines Norte Police Intelligence Unit at Valenzuela City Police Station, ang isang lalaki na may kasong Qualified Theft dakong alas-6:30 ng gabi noong Mayo 14, 2025 sa Sitio Pookan, Barangay Tabugon, Sta. Elena, Camarines Norte.

Kinilala ang inaresto na si AL, 33 taong gulang, walang asawa, at residente rin ng nabanggit na lugar. Matagal nang may nakabinbing warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng kasong Qualified Theft na nakasaad sa Article 310 ng Revised Penal Code.

 Ang warrant of arrest ay inilabas ni Hon. Orven Kuan Ontalan, Presiding Judge ng RTC Branch 285 sa Valenzuela City, para sa kasong may Criminal Case No. 137-V-17 na may petsang Enero 17, 2017. May rekomendadong piyansa itong nagkakahalaga ng Php40,000.00.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Sta. Elena MPS ang nasabing akusado para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon.

Source: CNPPO PIO