ISANG MIYEMBRO NG NEW PEOPLE’S ARMY, BOLUNTARYONG SUMUKO UPANG MAGBAGONG-BUHAY AT MULING  YAKAPIN ANG PAMAHALAAN

ISANG MIYEMBRO NG NEW PEOPLE’S ARMY, BOLUNTARYONG SUMUKO UPANG MAGBAGONG-BUHAY AT MULING  YAKAPIN ANG PAMAHALAAN

Labo, Camarines Norte — Isang makabuluhang hakbang tungo sa kapayapaan ang naganap nitong Mayo 15, 2025, bandang alas-4:30 ng hapon, matapos na boluntaryong sumuko sa mga sa mga awtoridad ang isang aktibong miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa bayan ng Labo, Camarines Norte.

Kinilala ang sumukong rebelde sa alyas na “Boy,” na diumano’y naging kasapi ng CTG mula pa noong Abril 2022. Siya ay nagsilbing S4 sa ilalim ng squad ni “Ka Lim” ng Larangang Gerilya 1, Komiteng Probinsya 1 (LP1, KP1) ng Armando Catapia Command. Ang kanyang grupo ay kumikilos sa mga bayan ng Labo, Capalonga, at Jose Panganiban sa nasabing lalawigan.

Ang matagumpay na pagsuko ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Severino H. Francisco, Jr., ng bayan ng Labo, at ng Labo Municipal Police Station sa pamumuno ni PMAJ  JOHN C VILLAFUERTE, katuwang ang 2nd PMFC, PIU, Camarines Norte PPO, 16th Infantry Battalion ng Philippine Army, at 5th SRB.

Itinuturing ang hakbang na ito bilang isang mahalagang tagumpay sa patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa terorismo at kriminalidad sa rehiyon. Ang pagbabalik-loob ni “Boy” ay patunay ng epektibong estratehiya ng gobyerno upang hikayatin ang mga natitira pang rebelde na talikuran ang armadong pakikibaka at muling makisama sa lipunan.

Sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) at iba pang programa ng gobyerno, magkakaroon si “Boy” ng pagkakataong magsimula ng panibagong buhay, makapagbagong-loob, at maging produktibong kasapi ng kanyang komunidad.

Source: CNPPO PIO