LALAKING RANKED 1 MUNICIPAL MOST WANTED SA BAYAN NG SAN LORENZO RUIZ, NAHULI!

LALAKING RANKED 1 MUNICIPAL MOST WANTED SA BAYAN NG SAN LORENZO RUIZ, NAHULI!

Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking kabilang sa listahan ng mga Most Wanted sa bayan ng San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte. Kinilala ang suspek na si alyas “Densio”, 42 taong gulang, may-asawa, at kasalukuyang naninirahan sa isang inuupahang apartment sa Brgy. Dacon, GMA, Cavite.

Dakong alas-12:20 ng tanghali ngayong Mayo 17, 2025, isinagawa ang operasyon sa nasabing barangay. Pinangunahan ito ng Tracker Team ng San Lorenzo Ruiz Municipal Police Station (SLR MPS), katuwang ang Warrant PNCO ng General Mariano Alvarez MPS, Cavite PPO, RIU 5 PIT Camarines Norte, at 401st Maneuver Company ng RMFB PRO4A CALABARZON.

Ang pagkakaaresto kay Densio ay base sa dalawang Warrant of Arrest — una, para sa kasong Consented Abduction na may kaugnayan sa RA 7610 sa ilalim ng Criminal Case No. 12603, na may piyansang PHP 120,000.00, inilabas ni Hon. Rolando M. Panganiban ng RTC Branch 40, Daet, Camarines Norte noong Marso 26, 2008. Ikalawa, para sa kasong Theft sa ilalim ng Criminal Case No. 2933, na may piyansang PHP 10,000.00, inilabas ni Hon. Jean Abasola Noble ng MCTC Capalonga-Sta. Elena noong Disyembre 27, 2013.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng San Lorenzo Ruiz MPS ang akusado para sa kaukulang disposisyon. Patuloy ang pagsisikap ng kapulisan na tugisin ang mga nagtatagong kriminal at panatilihin ang katahimikan sa mga komunidad.

Source: CNPPO PIO