MATAGUMPAY NA PAGLULUNSAD NG “KADIWA NG PANGULO SA KAMPO” SA CAMARINES NORTE PPO

MATAGUMPAY NA PAGLULUNSAD NG “KADIWA NG PANGULO SA KAMPO” SA CAMARINES NORTE PPO

Camp Wenceslao Q. VInzons Sr,. — Nitong Mayo 16, 2025, ganap na alas 8:30 ng umaga, matagumpay na inilunsad ng Camarines Norte Police Provincial Office sa pamumuno ni PRO5 Deputy Regional Director for Operations at kasalukuyang Officer-In-Charge ng CNPPO na si PCOL ROQUE A BAUSA,  ang programang KADIWA ng Pangulo sa Kampo para sa Masaganang Bagong Pilipinas, na ginanap sa Tanghalang Magiting, Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr., Daet, Camarines Norte.

Sinimulan ang programa sa isang panalangin na pinangunahan ni Pastor Rolando Barogo, Volunteer PNP Life Coach, na sinundan ng pambungad na pananalita ni PLTCOL EUSEBIO ARTURO E ESTOPARE, DPDA. Nagbigay rin ng mensahe ng suporta ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, kabilang sina Mr. Eliazar R. Demin (AMAD), Engr. Almirante A. Abad (OPAG), at  Mr. Mar Villamonte (NIA).

Layunin ng KNP na maipamahagi ang mga de-kalidad at abot-kayang produkto, gaya ng bigas sa halagang Php 29.00 kada kilo, para sa mga senior citizen, solo parents, persons with disabilities (PWDs), at maging sa mga miyembro ng PNP. Nagkaroon ng dalawampung (20) kalahok mula sa mga partner exhibitors na nag-alok ng bigas, gulay, prutas, tuyong isda, punla, at iba pang pangunahing bilihin.

Malaki ang naging suporta ng mga tauhan ng Pulis Bantayog sa pamamagitan ng aktibong pagbili ng produkto na naging susi sa tagumpay ng aktibidad at sa pagpapalawak ng access ng komunidad sa masustansya at abot-kayang pagkain.

Simula ngayon araw, ang KADIWA sa CNPPO ay isasagawa tuwing huling araw ng trabaho ng bawat buwan mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali. Layunin nitong maghatid ng direktang serbisyo sa mga PNP personnel, kanilang pamilya, at sa mga kalapit na komunidad, habang sinusuportahan din ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka at mangingisda.

Samantala, bago matapos ang programa, nagpaabot ng mensahe si PCOL ROQUE A BAUSA sa mga dumalo sa aktibidad at taos-puso siyang nagpasalamat  sa lahat ng katuwang na ahensya, mga exhibitors, at PNP personnel na naging bahagi ng matagumpay na aktibidad. “Ang tagumpay ng programang ito ay patunay ng tunay na bayanihan ng iba’t ibang sektor para sa kapakanan ng ating mga mamamayan. Sa pamamagitan ng KADIWA, naipadama natin ang malasakit ng pamahalaan sa bawat Pilipino,”

Source: CNPPO PIO