Labo, Camarines Norte – Arestado ang isang lalaki na may kinakaharap na tatlong (3) bilang ng kasong Qualified Rape sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Purok 6, Barangay Masalong, Labo, Camarines Norte nitong madaling araw ng Hunyo 5, 2025.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Ron,” 47 taong gulang, may asawa, walang trabaho, at residente ng naturang barangay.
Isinagawa ang operasyon dakong ala-una ng madaling araw ng Tracker Team ng Labo MPS na siyang lead unit, katuwang ang mga operatiba mula sa Regional Intelligence Division – Regional Special Operations Unit 5 RID-RSOU5 Team Camarines Norte, Camarines Norte 2nd Provincial Mobile Force Company, at Camarines Norte Provincial Intelligence Unit.
Batay sa ulat, inilabas ng Family Court Branch 15 ng Taguig City, National Capital Region ang Warrant of Arrest laban sa suspek noong Hunyo 2, 2025. Si “Ron” ay nahaharap sa tatlong kaso ng Qualified Rape laban sa isang menor de edad, na umano’y isinagawa sa pamamagitan ng sexual assault/intercourse alinsunod sa Artikulo 266-A at 266-B ng Revised Penal Code, na isinabatas sa pamamagitan ng Republic Act 11648 at Republic Act 8353, at may kaugnayan sa Republic Act 8369.
Ang mga kaso ay may docket numbers na Criminal Case Nos. 9810, 9811, at 9812. Walang piyansa ang inirekomenda para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Labo MPS ang suspek at sumasailalim sa kaukulang proseso para sa kanyang legal na disposisyon.

Source: CNPPO PIO