Matagumpay na naaresto ng mga pulisya ang lalaking nakatala bilang
Rank 5 sa Municipal Most Wanted Persons ng Sta.Elena, Camarines Norte.
Nahuli ang suspek nitong June 4, 2025, bandang alas-11:00 ng gabi sa Purok 5, Brgy. Poblacion, Sta Elena, Camarines Norte. Ang operasyon ay isinagawa ng Sta.Elena MPS laban sa suspek, na kinilalang si alyas “Bernie”, 43 taong gulang at residente ng Purok 11, Brgy. Poblacion, Sta. Elena, Camarines Norte. Inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong Frustrated Homicide, alinsunod sa Criminal Case No. 2025-5062. Ang warrant ay inisyu noong June 3, 2025 ng RTC Branch 64, Labo, Camarines Norte, na may inirekomendang piyansa na P72,000.00.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Sta.Elena PNP ang suspek para sa dokumentasyon at nararapat na disposisyon.
Source: CNPPO PIO