PAG-AALAY NG DASAL AT PAGBABASBAS SA MAHARLIKA HIGHWAY MULING ISINAGAWA

PAG-AALAY NG DASAL AT PAGBABASBAS SA MAHARLIKA HIGHWAY MULING ISINAGAWA

Dahil sa sunod-sunod na aksidenteng naganap sa Maharlika Highway, muling nagsagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Labo ng pagbabasbas at nag-alay ng dasal nito Huwebes, Hunyo 5,2025.

Ang pagbabasbas ay naganap sa bahagi ng Barangay Kalamunding, Masalong, Talobatib, at Malangcao-Basud. Pinangunahan ito ni Parish Administrator Rev. Fr. Jeffrey S. Jagurin, RCJ, nakatalaga sa simbahan ng Talobatib.

Noong nakaraang Martes, Hunyo 3, nagsagawa rin ng parehas na aktidibad ang LGU-Labo sa bahagi naman ng National Highway na sakop ng Brgy Anahaw, Bautista at Iberica, Labo, Camarines Norte.

Samantala, nagsagawa na rin ng mga paunang hakbangin ang Lokal na Pamahalaan upang pulungin ang mga ahensya para sa mga maaari nilang gawin upang mabawasan ang aksidente sa lugar. Gumawa na rin ng liham para sa Department of Public and Highways (DPWH) na siyang nakakasakop dito, upang maglagay ng karagdagang Signages, Reflectorized Advance Warning Devices at mga Street Lights, gayundin ang mga Flag Man para sa ginagawang mga kalsada at kung maaaring mapabilis rin ang pagsasaayos nito.

Nagpaalalang muli ang Lokal na Pamahalaan ng Labo at mga otoridad na laging mag-ingat upang makaiwas sa anumang aksidente.

Source and photo: DWLB 89.7 FB PAGE