DRUG OPERATION SA LABO, CAMARINES NORTE TAGUMPAY; MAGKAPATID NA SUSPEK, KALABOSO

DRUG OPERATION SA LABO, CAMARINES NORTE TAGUMPAY; MAGKAPATID NA SUSPEK, KALABOSO

Matagumpay na naisagawa ang isang anti-illegal drugs buy-bust operation sa Bayan ng Labo, Camarines Norte sa pangunguna ng ODRDO-RPDEU5, sa pakikipagtulungan ng Labo Municipal Police Station, katuwang ang mga operatiba mula sa PPDEU at PIU ng Camarines Norte Police Provincial Office, at sa koordinasyon ng PDEA Regional Office V.

Naaresto sa naturang operasyon ang dalawang magkapatid na bagong tukoy na drug personalities na sina alyas “Joan,” 34 taong gulang, at alyas “June,” 20 taong gulang.

Nakumpirma na nakabili ang isang poseur buyer ng isang (1) sachet ng hinihinalang shabu mula sa mga suspek. Bukod dito, narekober mula kay alyas “Joan” ang tatlong (3) karagdagang sachet ng hinihinalang shabu. Mula naman kay alyas “June” ay nakuha ang isang (1) pirasong Php500.00 na ginamit bilang buy-bust money, gayundin ang 120 piraso ng Php1,000.00 boodle money.

Sa kasalukuyan ay isinasagawa pa sa Crime Laboratory ang beripikasyon sa kabuuang timbang at halaga ng nakumpiskang iligal na droga na tinatayang aabot ng milyong halaga.

Ang pag-iimbentaryo at pagmamarka ng mga ebidensya ay isinagawa sa harap ng mga suspek at mga itinalagang mandatory witnesses mula sa media at mga Barangay Kagawad ng Brgy. Dalas, Labo, Camarines Norte.

Naipabatid sa mga suspek ang kanilang mga karapatan at ang kasong kanilang kakaharapin sa wikang kanilang nauunawaan. Sila ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO