LALAKING TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, NASABAT SA IKINASANG DRUG BUY-BUST OPERATION

LALAKING TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, NASABAT SA IKINASANG DRUG BUY-BUST OPERATION

Isang lalaki ang natimbog sa ikinasang buy-bust operation laban sa iligal na droga ng mga tauhan ng Basud Municipal Police Station katuwang ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit at 503rd MC RMFB5 ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV dakong 7:01  ng gabi nitong Marso 17, 2025 sa Purok Acacia, Brgy Poblacion 2, Basud, Camarines Norte.

 Ang suspek ay nakilalang si alyas “Miggy”, 45 taong gulang, binata at residente ng Brgy. Borabod, Daet, Camarines Norte.

Ayon sa report, matagumpay na nakabili ang nakatalagang poseur buyer sa nasabing suspek ng pakete ng hinihinalang shabu, dahilan upang agad arestuhin ang suspek.  

Kumpiskado sa operasyon ang hindi pa matukoy na bigat at halaga ng iligal na droga. Ang isinagawang operasyon, imbentaryo at pagmarka sa mga nakuhang ebidensya ay nasaksihan ng opisyales ng barangay at kinatawan ng media.

Samantala, ang nasabing suspek ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Basud MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO