BUYBUST OPERATION SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN, MATAGUMPAY, SUSPEK, SAKOTE

BUYBUST OPERATION SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN, MATAGUMPAY, SUSPEK, SAKOTE

Naging matagumpay ang ikinasang buybust operation ng kapulisan na pinangunahan ng Jose Panganiban MPS, katuwang ang CNPIU/CNPDEU ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV bandang alas 9:50 ng gabi nitong Abril 2, 2025 sa Purok 2,  Barangay North Poblacion, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si “ MAY “, 47 taong gulang, at residente ng nabanggit na lugar.  Inaresto ang nasabing personahe matapos na makabili sa kanya ang umaktong poseur buyer ng selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu (buy-bust item). Nakuha naman sa kanyang pag-iingat ang hindi pa natutukoy na timbang at halaga ng iligal na droga.

Ang pagmarka, imbentaryo at dokumentasyon ng nasabing operasyon ay nasaksihan ng mga mandatory witnesses na kinabibilangan ng nahalal na opisyales ng barangay at kinatawan ng media.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng Jose Panganiban MPS ang nabanggit na personahe para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda naman ang kaso para sa paglabag sa RA 9165 laban sa kanya.

Source: CNPPO PIO