ISANG LALAKI, TIMBOG SA BUY-BUST OPERATION NG BASUD-PNP

ISANG LALAKI, TIMBOG SA BUY-BUST OPERATION NG BASUD-PNP

Basud, Camarines Norte — Isang lalaki ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng Basud MPS dakong alas-3:40 ng hapon nitong Abril 21, 2025, sa Purok 1, Brgy. Bactas, Basud, Camarines Norte.

Ang operasyon ay isinagawa sa pangunguna ni PCPT MARK ANTHONY C ARMEA, Acting Chief of Police, katuwang ang CNPIU, PPDEU, 503rd MC ng RMFB5, at sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Regional Office V. Bahagi ito ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga, bunga ng mas pinalakas na ugnayan ng kapulisan sa mga barangay at mamamayan.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Jas,” 41 taong gulang, binata, isang construction worker, at residente ng Purok 6, Brgy. Alawihao, Daet, Camarines Norte.

Nasamsam mula sa operasyon ang apat (4) na piraso ng small-sized, heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng  pinaniniwalaang shabu na kasalukuyang wala pang tiyak na timbang at halaga.

Ang naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay nasa kustodiya na ng Basud MPS para sa inihahandang pagsasampa ng kaukulang kaso.

Source: CNPPO PIO