PULISYA NG STA. ELENA, ARESTADO ANG LALAKING MAY BITBIT NA BARIL SA CHECKPOINT

PULISYA NG STA. ELENA, ARESTADO ANG LALAKING MAY BITBIT NA BARIL SA CHECKPOINT

Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng baril habang dumadaan sa isang Comelec checkpoint sa Brgy. Poblacion, Sta. Elena, Camarines Norte dakong alas-dos ng hapon nitong Abril 22, 2025.

Kinilala ang suspek na si Alyas Rey, 42 taong gulang, may asawa, tricycle driver, at residente ng Purok 8, Brgy. Poblacion ng nasabing bayan. Nahuli siya ng mga tauhan ng Sta. Elena Municipal Police Station.

Ayon sa impormasyon mula sa isang concerned citizen, isang lalaking may dalang baril ang inaasahang dadaan sa checkpoint sakay ng isang pulang Toyota Wigo. Habang isinasagawa ang checkpoint, napansin ng mga pulis ang nasabing sasakyan na minamaneho ng suspek. Nang ipakita nito ang kaniyang lisensya at buksan ang pulang pouch, napansin ng mga pulis ang hawakan ng isang baril.

Nasamsam mula sa suspek ang isang hinihinalang cal. 22 revolver na may tatak na “Black Widow” at serial number na “22 Magnum 2,” kasama ang apat na bala. Isinagawa ang inventory at pagmamarka ng ebidensya sa harap ng mga mandatory witnesses kabilang ang opisyales ng barangay, media representative at ang kinakasama ng suspek.

Ang suspek at ang nakumpiskang ebidensya ay nasa kustodiya na ngayon ng Sta. Elena MPS para sa kaukulang disposisyon. Siya ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) kaugnay ng umiiral na Comelec Gun Ban.

Source: CNPPO PIO