MGA NAGAWANG PROYEKTO NI DATING GOBERNADOR EGAY TALLADO KASABAY NG HAMON NG PANDEMYA

MGA NAGAWANG PROYEKTO NI DATING GOBERNADOR EGAY TALLADO KASABAY NG HAMON NG PANDEMYA

Bagama’t matindi ang naging hamon ng COVID-19 Pandemic, hindi nagpabaya si Dating Gobernador Edgardo “Egay” Tallado.

Gumawa siya ng paraan upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa Camarines Norte, kasabay ng patuloy niyang pagsasakatuparan sa mga 2019-2020 Priority Projects.

Narito ang ilan sa mga proyektong kanyang nagawa at sinimulan gawin ng mga panahong iyon: 

📍Pagsasaayos ng Capalonga Water System

📍Extention ng Bagasbas Boulevard sa Paracale

📍Modernisasyon ng Camarines Norte Provincial Hospital 

📍Bagasbas Convention Center and Hotel

📍 Centennial Wharf

📍Sta. Elena District Hospital 

Ang iba sa mga proyektong ito ay kasalukuyang  napapakinabangan na. At may ilang proyekto na nabalam ang pagsasagawa at operasyon.   Kaya naman ayon sa dating gobernador, makakaasa ang lahat na kung siya ay mabibigyang pagkakataon na muling makabalik sa Kapitolyo ay ipa-prayoridad ng Team Gawa ang operasyon at patuloy na pagsasaayos ng mga  proyektong ito upang makatulong sa paglago ng turismo at makalikha pa ng dagdag negosyo at trabaho.

Natuwa rin ang Dating Gobernador para sa mga kababayan sa Bayan ng Mercedes sapagkat ang pangarap nilang tulay na mag-uugnay sa Poblacion at Manguisoc ay naumpisahan na ng DPWH.  Lingid sa kaalaman ng marami, Team Gawa ang nanguna sa “paperworks” upang ito ay mapondohan.

Pahayag pa ng dating gobernador, “Sama-sama nating naipagawa ang mga ito, marami pa tayong maipapagawa kapag nagsama-samang muli.”

Photo: Gov. Egay Tallado/Facebook