Daet, Camarines Norte- Naaresto ang isang babae sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng pinagsanib na puwersa ng Daet Municipal Police Station (lead unit), CNPIU, PPDEU, sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Regional Office V, dakong alas-5:10 ng hapon nitong Abril 23, 2025, sa Millennium Street, Purok 4, Barangay Cobangbang, Daet, Camarines Norte.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Jho,” 56 taong gulang, dalaga, walang trabaho, at residente ng nasabing lugar.
Batay sa ulat, matagumpay na nakabili ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ang poseur buyer mula sa suspek sa isinagawang buy-bust operation. Dahil dito, agad siyang inaresto ng mga operatiba.
Nakumpiska sa lugar ng operasyon ang ilan pang plastic sachet ng hinihinalang shabu na kasalukuyan pang isinasailalim sa pagsusuri para matukoy ang eksaktong timbang at halaga.
Ang pagsasagawa ng imbentaryo at pagmamarka sa mga nakuhang ebidensya ay nasaksihan ng mga opisyal ng Barangay Cobangbang at kinatawan mula sa media, alinsunod sa itinakda ng batas. Ipinaalam din sa suspek ang kanyang mga karapatan bilang akusado at isinailalim sa medikal na pagsusuri sa Camarines Norte Provincial Hospital.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Daet Municipal Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.



Source: CNPPO PIO