Labis ang pasasalamat ni Congw. Rosemarie Panotes sa 2025 Philippine Leaders Award para sa pagkilala sa kanya bilang National Outstanding Public Servant of the Year.
Isang karangalan ang makatanggap ng ganitong mga parangal dahil dito nakikilala at nakikita ang kanyang dedikasyon sa pagtulong at pagbibigay serbisyo publiko.
Ipinaabot rin ng kongresista na ang parangal na ito ay hindi lamang para sa kanya kundi para na rin sa bawat Camnorteño na araw-araw niyang tahimik na pinaglilingkuran.
Pahayag pa ng kongresista, “Hindi po ito para sa akin lamang, kundi para sa bawat CamNorteñong araw-araw naming pinaglilingkuran. Patunay po ito na ang tunay na serbisyo, kahit tahimik at payak, ay kinikilala rin. At hangga’t may tiwala at suporta po kayo, padagos lang po tayo sa paglilingkod na Alay sa Diyos, Alay sa Bayan.”
