CNPPO, MATAGUMPAY NA NAGSAGAWA NG INTER-UNIT MARKSMANSHIP TRAINING

CNPPO, MATAGUMPAY NA NAGSAGAWA NG INTER-UNIT MARKSMANSHIP TRAINING

Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr. — Matagumpay na isinagawa ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) ang Inter-Unit Marksmanship Training nitong Abril 26–27, 2025. Nilahukan ito ng 24 koponan mula sa Provincial Headquarters, Provincial Mobile Force Companies, Municipal Police Stations, at National Support Units (NASU/NOSU). Layunin ng pagsasanay na paigtingin ang kakayahan sa pagbaril, disiplina, at pagkakaisa ng mga yunit.

Nagsimula ang aktibidad nitong Abril 26, dakong alad 7:00 ng umaga sa pamamagitan ng isang Simultaneous Tree Planting Activity sa loob ng kampo, na pinangunahan ni Provincial Director PCOL LITO L ANDAYA, kasama ang Command Group, Staff Officers, uniformed at non-uniformed personnel, NASU/NOSU units, kalahok mula sa PMFCs at MPS, at mga miyembro ng CANARRSA Gun Club, Inc. Umabot sa 258 seedlings ng Narra at Mahogany ang matagumpay na naitanim, bilang bahagi ng adbokasiya ng CNPPO sa pangangalaga ng kalikasan.

Sinundan ito ng Opening Program dakong 8:00 ng umaga kung saan ipinaabot ni Mr. Noel “Ahlong” Ong ang mensahe ng panauhing pandangal, si PMGEN ROQUE G. RAMIREZ (Ret.), President ng CANARRSA Gun Club, Inc. Pagkatapos ng mensahe, isinagawa ang Ceremonial Shot bilang hudyat ng opisyal na pagsisimula ng kompetisyon.

Agad namang sinimulan ang tatlong yugto ng marksmanship challenges kung saan aktibong lumahok ang mga yunit.

Nitong Abril 27, ipinagpatuloy ang ikalawang araw ng pagsasanay sa pamamagitan ng Steel Challenge Match na sinimulan alas-8:00 ng umaga. Sa event na ito, 20 koponan ang naglaban-laban para sa Team Steel Challenge Event; 14 Police Commissioned Officers (PCOs) naman ang nagtagisan sa Man vs. Man Event, habang 17 babaeng PNCOs at 19 lalaking PNCOs ang lumahok sa mga indibidwal na kategorya.

Sa kabuuan, naging matagumpay ang Inter-Unit Marksmanship Training dahil sa aktibong partisipasyon at dedikasyon ng lahat ng kalahok. Naipamalas dito ang kahusayan sa pagbaril, disiplina, pagkakaisa, at mataas na antas ng propesyonalismo.

Source: CNPPO PIO