LALAKI TIMBOG SA BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG PARACALE, CAMARINES NORTE

LALAKI TIMBOG SA BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG PARACALE, CAMARINES NORTE

Paracale, Cmarines Norte- Isang tulak ng iligal na droga ang naaresto sa isang buy-bust operation na isinagawa ng mga tauhan ng Paracale MPS, katuwang ang Camarines Norte Provincial Intelligence Unit  at CN2nd Provincial Mobile Force Company, , sa koordinasyon ng PDEA ROV, dakong 10:57 ng gabi nitong Mayo 9, 2025 sa Purok 1, Barangay Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na may alyas na “Roy,” 28 anyos, at residente ng nasabing lugar. Nakumpiska sa operasyon ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at ang ginamit na buy-bust money. Samantala, ang operasyon ay nasaksihan ng mga kinatawan ng media at mga elected officials ng nasabing barangay.

Ang mga nakumpiskang ebidensya at ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Paracale MPS para sa kaukulang disposisyon. 

Inaalam pa ang eksaktong timbang at halaga ng mga nakumpiskang iligal na droga habang inihahanda na rin ng mga imbestigador ang kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kasong kriminal laban sa suspek.

Source: CNPPO PIO