Naaresto ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga na mag-live-in partner sa isinagawang buy-bust operation ng Paracale MPS kasama ang CNPIU/CNPDEU, 2nd CNPMFC, at sa koordinasyon ng PDEA nitong Hunyo 8, 2025 bandang alas-9:00 ng gabi sa Purok 2, Barangay Tugos, Paracale, Camarines Norte.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Allan”, 33-anyos, isang fish vendor at residente ng Caloocan City, at ang kanyang live-in partner na si alyas “Kaye” 32-anyos, walang trabaho at residente ng Barangay Tugos. Kapwa sila inaresto matapos makumpirma ng mga operatiba ang aktwal na bentahan ng ilegal na droga sa pamamagitan ng isang buy-bust operation.
Nasamsam sa operasyon ang dalawang (2) plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang (1) pirasong genuine ₱500 bill na may serial number CB7870742, tatlong (3) piraso ng boodle money mula kay Allan, at isang (1) karagdagang sachet ng hinihinalang shabu mula kay Kaye. Isinagawa ang tamang proseso ng pagmamarka at imbentaryo ng mga ebidensya sa presensya ng media representative at Barangay Kagawad ng Barangay Tugos upang tiyakin ang integridad ng operasyon. Tinatayang nasa 11 gramo ng shabu na may Dangerous Drugs Board value na umaabot sa Php 74, 800.00.
Dinala ang mga suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon. Sa ngayon, nasa kustodiya ng Paracale MPS ang dalawang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya habang inihahanda ng imbestigador ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng patuloy na kampanya ng kapulisan laban sa ilegal na droga sa lalawigan.


Source: CNPPO PIO