Isa ang patay at isa ang sugatan sa nangyaring aksidente ng isang motorsiklo bandang 9:30 ng gabi nitong Oktubre 31, 2021 sa Maharlika Highway, at Purok 3, Brgy Talobatib, Labo, Camarines Norte.
Ang mga biktima ay nakilalang sina alyas ED, 32 anyos, binata, at residente ng Purok 3, Brgy. Calabasa, Labo, Camarines Norte, drayber ng kulay itim na RUSI motorcycle at walang plate number na nakalagay. (Confined at Camarines Norte Provincial Hospital) at alyas LOUIE (Backrider), 27 anyos, at residente ng P-1 Brgy. Lugui, Labo, Camarines Norte (Dead-on-Arrival at Labo District Hospital).
Ayon sa imbestigasyon, diumano habang binabaybay ni ED patungong Brgy. Talobatib, Labo, Camarines Norte ang kanyang minamanehong motorsiklo ay pinaniniwalaang nawalan ito ng kontrol at aksidenteng sumalpok sa steel railing sa tabi ng kalsada. Ang nasabing insidente ay nagresulta sa pagtamo ng mga nabanggit na personahe ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.
Ang drayber ng nasabing motorsiklo ay agad dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital dahil sa malalang sugat na natamo nito samantala ang backrider na si LOUIE naman ay dinala sa Labo District Hospital ngunit sa kasamaang palad ay idineklarang dead-on-arrival (DOA) ng nakatalagang doktor.
Ang motorsiklong sangkot sa insidente ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon.
Photo credits: Camarines Norte Oramismo Update Facebook page

