Nobyembre 8, 2017, Daet, Camarines Norte – Positibo ang naging komento ng hunta probinsyal sa pagkakaroon ng geographic information system (GIS) sa lalawigan ng Camarines Norte.
Humarap sa ika-61 regular na sesyon ng sangguniang Panlalawigan kanina ang mga representatives mula sa Systems Research Development Philippines (SRDP) Consulting Inc. at inilatag ag mga serbisyong handa nilang gawin para sa lalawigan sa larangan ng Integrated Mapping, GIS at Engineering.
Ayon ka Ms. Corina T. Manansala, GIS Specialist/Marketing Director ng SRDP Consulting Inc., sa pamamagitan ng makabagong XCAM-B Imaging System, kaya umano nilang magbigay ng updated na imahe ng buong probinsiya at topographic map nito na makakatulong sa pagmonitor sa bawat lugar sa probinsiya pamamagitan ng manned aerial imagery.
Ang nasambit na teknolohiya aniya ay maihahalintulad sa popular na google earth subalit mas advanced umano ito at maraming specifications na maaaring gamitin para sa pag-update ng Comprehensive Land Use Plan (CLUP) ng probinsiya.
Makakatulong umano sa Lokal na Pamahalaan ang nasambit na teknolohiya sa ibat ibang aspeto tulad ng pag assess sa mga real estate properties, disaster management, monitoring ng mga natural resources tulad ng mga kabundukan, house tagging at surveying, transport studies at urban at regional planning.
Di hamak umano na sa pamamagitan ng naturang teknolohiya ay mas mabilis na maibibigay sa LGU ang mga imahe ng alinmang lugar sa lalawigan kung saan makikita ang kasalukuyang sitwasyon nito nang hindi na kailangan pang tunguhin ng mga personel tulad ng mga bundok at kagubatan.
Bagaman aminadong hindi updated ang CLUP sa mga bayan sa lalawigan ng CamNorte, iisa ang naging tugon ng mga miyembro ng SP. Lahat ay naniniala na magiging malaking tulong ang nasambit na teknolohiya kung ito ay isasagawa sa lalawigan.
Sa huli ay inirekomenda ng konseho sa SRDP Consulting Inc. na magprisenta ng proposal sa lahat ng alkalde ng bawat bayan at sa gobernador ng lalawigan para sa posibleng paghingi ng ng serbisyo nila sa topographic mapping, CLUP at house tagging.
Camarines Norte News