NAITALANG 2 LINGGONG ZERO THEFT INCIDENT SA BAYAN NG DAET, IKINATUWA NG SB DAET!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2017/08/cop608.1.jpg

Marso, 20, 2018, Daet, Camarines Norte – Buong pagmamalaking ibinalita ni Daet PNP Chief of Police PSupt. Wilmor Halamani sa kanyang pagharap sa Sangguniang Bayan ng Daet kahapon ang zero theft incident sa nakalipas na dalawang linggo.

Ito ay nakamit aniya sa pamamagitan ng pagbuo ng motorcycle cops o kilala rin sa tawag na mocops kung saan umiikot ang mga personel ng Daet MPS sakay ng motorsiklo sa mga subdibisyon maging sa mga sulok ng bayan sa loob ng 24 oras.

Aniya, sa ganitong paraan ay hindi nagkakaroon ng pagkakataon na sumalakay ang mga kawatan dahilan sa mas pinaigting na police visibility lalung lao na sa mga lugar kung saan madalas ang insidente ng pagnanakaw tulad ng mga subdibisyon.

Ayon pa sa Hepe, unang pagkakataon aniya na sa mahabang panahon ay walang naitala ang himpilan na insidente ng pagnanakaw sa naturang bayan kaya naman nais pa nitong ipagpatuloy ang nasambit na pagkilos.

Gayunpaman, animado ang hepe na hindi sapat ang kanilang mga ginagamit na sasakyan sa pagpapatrolya kaya naman hiniling nito sa Sangguniang Bayan ang pagdaragdag ng mga motorsiklo at mobile upang tuluyan ng mawakasan ang mga insidente ng pagnanakaw at iba pang krimen.

Ikinatuwa naman ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang magandang balita at ipinangako ang kanilang suporta.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *