PAGSASAAYOS NG MGA POSTE NG ILAW SA BAGASBAS BEACH, AGAD TINUGUNAN NI MAYOR OCHOA!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/04/bagasbas.light608.jpg

Marso 26, 2018, Daet, Camarines Norte – Agad tinugunan ni Mayor Benito B2K Ochoa ang reklamo ng mga residente maging ng mga turista sa Bagasbas Beach tungkol sa mga sira umanong poste ng ilaw sa kahabaan ng seawall dito.

Matapos makarating sa alkalde ang naturang reklamo, agad nitong pinapalitan ang mga pundidong ilaw sa mga poste upang muli nang magliwanag ang bahagi ng boulevard na karaniwang tinutungo ng mga tao at mga turista tuwing gabi.

Nabatid na karaniwan nang dinadagsa ang bagasbas beach ng mga turista lalo na ngayong darating na holy week at pagsisimula ng Bantayog Festival sa pagpasok ng buwan ng Abril kaya naman hindi nagdalawang isip si Mayor Ochoa na siguruhing maliwanag ang nasambit na lugar upang masiguro ang kaligtasan ng mga magtutungo dito.

Magugunitang simula pa lamang ng panunungkulan ni Mayor Ochoa ay naging prayoridad na nito ang pagpapailaw sa mga pangunahing kalsada maging sa mga tourist attractions sa bayan ng Daet.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *