Marso 29, 2018, Capalonga, Camarines Norte – Nagkasagupa ang tropa ng 9th Infantry Battalion 9th Infantry Division, Philippine Army ang humigit kumulang labinlimang (15) miyembro ng hinihinalang rebeldeng grupo ng CPP – NPA sa Brgy Itok, Capalonga, Camarines Norte dakong 11:55 kaninang umaga, Marso 29, 2018.
Ayon sa report ng Division Public Affairs Office of 9th Infantry (Spear) Division, tumagal ng halos dalwampung (20) minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng dalawang (2) panig kung saan isang (1) miyembro mula sa rebeldeng grupo ang naiwang patay at isang (1) M16 riffle at iba pang kagamitan ang nakumpiska. Wala namang naitalang sugatan sa tropa ng gobyerno at wala ring nadamay na mga sibilyan.
Samantala, patuloy ang isinasagawang pursuit operations ng militar sa nasambit na lugar kung saan nakitang tumatakas ang ilang armado at sugatang mga kalalakihan ayon sa mga sibilyan.
Camarines Norte News
Photos courtesy of Arjay Vecino