CAMARINES NORTE, MULING NAKAPAGTALA NG 2 BAGONG KASO NG COVID-19

CAMARINES NORTE, MULING NAKAPAGTALA NG 2 BAGONG KASO NG COVID-19

Matapos ang limang magkakasunod na araw na walang naitatalang kaso ng COVID-19 sa lalawigan, muli nanaman itong tinamaan ng naturang sakit base sa huling tala ng DOH-CHD Bicol na inilabas kahapon.

Dalawang bagong kaso ng COVID-19 ang naitala na pawang mula sa Bayan ng Mercedes.

Samantala, mayroong kasalukuyang 10 aktibong kaso ng sakit sa lalawigan.

Umakyat naman sa 131 ang total recoveries dahil sa nadagdag na 1 recovery mula sa inilabas na talaan kahapon.

Habang nananatili naman sa 9 ang naitatalang bilang ng fatalities.

Sa inilabas naman na opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan ng Mercedes, pinaalala na hindi pa tapos ang labasn sa COVID-19 kung kaya’t dapat na panatilihin ang pagsunod sa health safety protocols.

Gayundin ang patuloy na paalala ng Camarines Norte Provincial Government sa lahat ng mga mamamayan ukol sa pagsunod sa mga alituntunin laban sa COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *