ISANG SERVICE CREW, PINAGBABARIL NG DI PA NAKIKILALANG SUSPEK

ISANG SERVICE CREW, PINAGBABARIL NG DI PA NAKIKILALANG SUSPEK

Nito lamang December 1, 2023 dakong 7:45 ng gabi, isang service crew ang pinagbabaril sa pinagtatrabahuhan nitong establisimento na Anahaw Cafe sa Salcedo St., Barangay VIII, Daet, Camarines Norte ng di pa nakikilalang suspek.

Ang biktima ay kinilalang si Miguel Angelo Parena, 22 anyos binata, isang staff/service crew, at residente ng Barangay Mancruz, Daet, Camarines Norte. Samantalang ang suspek ay inaalam pa ang pagkakakilanlan para sa posibleng pagkakaaresto nito.

Ayon sa ulat, nagpanggap na kustomer ang suspek at pinagbabaril nito ang biktima na tumama naman sa iba’t-ibang parte ng katawan nito gamit ang di pa matukoy na kalibre ng baril. Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang nasabing insidente. Agaran namang naisugod sa Camarines Norte Provincial Hospital ang biktima para magamot.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng follow- up investigation at pursuit operation ang Daet MPS para sa pagkakakilanlan ng suspek at pagkakaaresto nito.

Nananawagan naman ang Daet PNP na makipagtulungan ang sinumang nakakaalam sa pagkakakilanlan ng suspek upang mabigyang hustisya ang nangyari sa biktima, mapanagot ang suspek at mapagdusahan ang nagawa nitong pagkakasala.

Source: CNPPO PIO