Arestado sa ikinasang drug buy-bust operation ng Vinzons MPS kasama ng mga tauhan ng PPDEU at PIU Cam Norte ang isang lalaking tulak umano ng iligal na droga dakong alas 4:45 ng hapon nito lamang Hunyo 30,2024 sa P-6 Calangcawan Sur,Vinzons, Camarines Norte
Ang suspek ay nakilalang si alyas “OWEN”, 50 taong gulang, isang tindero at residente ng Brgy. Caawigan, Talisay, Camarines Norte. Ayon sa ulat, matagumpay na nakabili ng isang pakete ng hinihinalang shabu sa nasambit na suspek ang nakatalagang poseur buyer ng pangkat ng kapulisan na dahilan upang agad itong maaresto. Nasamsam sa operasyon ang hindi pa matukoy na bigat at halaga ng hinihinalang iligal na droga.
Samantala, inihahanda na ng kapulisan ng Vinzons MPS ang reklamong kriminal para sa paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” laban sa nasabing suspek.


Source: CNPPO PIO

