Kahapon, February 18, 2025 ginanap sa Purok 3 Brgy. Masalong ang inagurasyon at blessing ng kauna-unahang Engineered Sanitary Land Fill sa buong lalawigan ng Camarines Norte sa Bayan ng Labo, Camarines Norte.
Ang nasabing proyekto ay inaasahang mapapakinabangan hindi lamang sa bayan ng Labo kundi maging sa mga karatig nitong bayan at maging modelo rin sa ibang bayan na nagnanais na magpatayo ng ganitong Engineered Sanitary Land Fill.
Ang mga equipments ng nasabing proyekto ay ang composting Facility, Septic Vault, Hazardous Waste Facility, Sanitary Land fill at Water Treatment Facility.
Ayon naman sa Pamahalaan Panlalawigan na isa itong malaking hakbangin upang magkaroon ng malinis na kapaligiran at masolusyonan ang problema sa basura ng lalawigan.
Ayon rin sa LGU Labo, mahalaga ang pagkakaroon ng ganitong modernong pasilidad dahil lubos ito makakatulong sa pagkakaron ng malinis at malusog na kapaligiran tungo sa pag-unlad ng Bayan ng Labo.





Source & photo: DWLB 89.7 FB Page