Capalonga, Camarines Norte – Isang matagumpay na operasyon ang isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng pulisya, na humantong sa pagkakaaresto ng isang indibidwal sa Brgy. Itok, Capalonga, Camarines Norte dakong 11:45 ng gabi noong Marso 16, 2025.
Batay sa bisa ng Search Warrant No. 25D-0127 para sa paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Search Warrant No. 25D-0128 para sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), na ipinalabas ni Hon. Annalie O. Thomas-Velarde, Presiding Judge ng RTC Branch 64, Labo, Camarines Norte noong Marso 13, 2025, matagumpay na isinagawa ang operasyon ng MDEU ng Capalonga MPS (lead unit), kasama ang 2nd PMFC, 91st Special Action Company, 9SAB, PNP-SAF, CNPDEU, at CNPIU, sa pakikipagtulungan ng PDEA ROV.
Sa operasyon, naaresto ang suspek at nakumpiska ang mga sumusunod na ebidensya:
🔹 Pitong (7) heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu;
🔹 Isang (1) heat-sealed transparent sachet na may hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana; at
🔹 Isang (1) kalibre .22 na rebolber na may isang (1) bala.
Ang pagsisiyasat, pagmamarka, at pag-iimbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya ay isinagawa sa harap ng suspek at tatlong mandatory witnesses.
Sa ngayon, ang naarestong suspek at ang nakumpiskang ebidensya ay nasa kustodiya ng Capalonga MPS para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng kaso. Samantala, inaalam pa ang eksaktong timbang at halaga ng mga nakumpiskang iligal na droga.
Source: CNPPO PIO