Umikot si CamNorte 2D Representative Rosemarie Panotes sa limang (5) bayan ng Segundo Distrito ng Camarines Norte sa unang araw ng kampanya kahapon, March 28, 2025.
Kahit inabot ng ulan sa paglilibot ang Team Padagos, tuloy lang ito at hindi natinag upang marating lahat ng bayan.
Bago pa ito, dumalaw muna ang kongresista sa kanyang mga magulang na sina dating Congressman Eming at Congresswoman Toots Panotes, upang humihingi ng gabay para sa panibagong laban para sa Segundo Distrito ng Camarines Norte.


