CNNHS ROBOTICS TEAM, NAGWAGI SA INTERNATIONAL ROBOTICS COMPETITION!! 

CNNHS ROBOTICS TEAM, NAGWAGI SA INTERNATIONAL ROBOTICS COMPETITION!! 

Nagpakita ng kanilang galing ang Camarines Norte National High School Robotics Team sa katatapos pa lamang na 13th Robotics International Championship na ginanap sa University of Oradea, Oradea, Romania.

Naiuwi nila ang Ikalawang Pwesto sa Line Follower Enhanced, at Ika-apat na Pwesto naman sa Humanoid Challenge. Special mention rin sila sa Line Follower Junior bilang 7th at 9th Place out of 30 Teams, at 13th Place out of 44 Teams sa Line Follower Classic. 

Isang pagpupugay sa mga mag-aaral na sina Joash Vincent Cabajar, Dan Luke Almoguera, Jon Vincent Fernandez, Leudomers Kaisser Manebo, Joryll Dave Talento, Ianna Roanne Tropel.  Gayundin sa mga coaches na sina Sir Jade Erickson E. Sale at Sir John Rommel J. Leop.

Nagpaabot rin ang team ng pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanilang laban kabilang na sina Ms. Roma Ester A. Barco – Head Teacher, Science (Designate), Mr. Wilson Angel H. Villarin – Assistant Principal II, Mr. Francisco D. Torrero – Principal II, Dr. Renita B. Abraham – PSDS, Daet North & Daet South, Mr. Noel V. Ibis – EPS, Science, Mr. Joel C. Caolboy – ASDS, SDS Crestito M. Morcilla, CESO V – SDS, Camarines Norte, CNNHS faculty, non-teaching staff. 

Malugod din ang kanilang pagpapaabot ng pasasalamat sa LGU-Daet sa pamumuno ni Mayor Benito “B2K” Ochoa sa paglalaan ng pondo upang makapagbigqy ng suporta sa mga mag-aaral na kabilang sa Robotics Team Ng CNNHS.  

Gayundin ang pasasalamat kay at Gov. Ricarte “Dong” Padilla sa tulong na pinaabot mula sa PG-Camarines Norte. 

CONGRATULATIONS CNNHS ROBOTICS TEAM!!!