2 indibidwal na tulak umano ng iligal na droga ang inaresto matapos itong mahuli sa ikinasang buy-bust operation laban sa iligal na droga ng mga tauhan ng Labo Municipal Police Station, katuwang ang Camarines Norte Provincial Drug Enforcement Unit, at CN PIU ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV dakong 12:30 ng umaga nitong Mayo 21, 2025 sa Purok 3, Brgy. Masalong, Labo, Camarines Norte.
Ang mga suspek ay nakilalang sina alyas na “Jak”, 41 taong gulang, at alyas “Bert”, na pawang mga residente ng Brgy.Gumamela, Labo, Camarines Norte.
Ayon sa report, matagumpay na nakabili ang nakatalagang poseur buyer sa mga nasabing mga suspek ng hinihinalang iligal na droga, dahilan upang agad arestuhin ang mga ito.
Kumpiskado sa operasyon ang hindi pa matukoy na bigat at halaga ng iligal na droga (shabu). Ang isinagawang operasyon, imbentaryo at pagmarka sa mga nakuhang ebidensya ay nasaksihan ng opisyales ng barangay at kinatawan ng media.
Samantala, ang nasabing mga suspek ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Labo MPS para sa kaukulang pagdodokumento at disposisyon.
Source: CNPPO PIO

