ISANG LALAKI, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG SAN VICENTE, CAMRINES NORTE

ISANG LALAKI, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG SAN VICENTE, CAMRINES NORTE

Arestado ang isang lalaki matapos isagawa ng mga operatiba ng San Vicente Municipal Police Station, sa pangunguna ni PCPT IRENEO R MENDOZA, hepe ng nasabing himpilan katuwang ang RMFB5, CNPDEU, CNPIU, at CN 1st PMFC, ang isang buy-bust operation nitong Disyembre 15, 2024, bandang 7:20 ng gabi sa Purok 2, Brgy. Calabagas, San Vicente, Camarines Norte.

Ang suspek, na nakilala sa alyas na “Nel” 55 taong gulang, binata, at residente ng Magallanes Iraya, Brgy. Camambugan, Daet, Camarines Norte, ay nahuli habang nakikipagtransaksyon ng hinihinalang ilegal na droga sa isang poseur buyer ng kapulisan. Nakuha mula sa kanya ang anim na piraso ng selyadong plastik na naglalaman ng hinihinalang shabu na wala pang tiyak na timbng at halaga. Kasama rin sa nakumpiska ang PHP 500 buy-bust money.

Ayon sa ulat, matagal nang minamanmanan ng pulisya si “Nel” at aktwal siyang nahuli sa mismong operasyon. Ang imbentaryo, pagmamarka, at pagkuha ng larawan ng mga ebidensya ay nasaksihan ng isang barangay kagawad mula sa Brgy. Calabagas at ng kinatawan ng media mula sa Radyo Pilipinas.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Siya ay nasa kustodiya na ng San Vicente Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon at legal na proseso.

Source: CNPPO PIO