Mercedes, Camarines Norte – Nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na pwersa ng Mercedes Municipal Police Station at iba pang law enforcement units ang isang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang lalaking hinihinalang sangkot sa ilegal na droga nitong Marso 18, 2025 bandang 9:15 PM sa Purok-6, Sitio Puti, Barangay Gaboc, Mercedes, Camarines Norte.
Kinilala ang suspek sa alyas “King”, 51 taong gulang, walang trabaho, at residente ng Purok 3, Barangay 6, Mercedes, Camarines Norte.
Ang operasyon ay isinagawa ng Mercedes MPS, sa pakikipagtulungan ng CNPDEU, CNPIU, CN 1st PMFC, at 503rd MC, RMFB5, sa ilalim ng koordinasyon ng PDEA ROV. Sa isinagawang operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang sumusunod na mga ebidensya:
🔹Isang (1) medium heat-sealed plastic sachet na may lamang puting crystalline substance na hinihinalang shabu;
🔹Limang (5) small heat-sealed plastic sachet na naglalaman din ng hinihinalang shabu; at
🔹Isang (1) piraso ng tunay na limandaang piso (PhP 500.00) na may serial number H582275 na ginamit bilang buy-bust money.
Ang pagsasagawa ng tamang pag-iimbentaryo at pagmamarka ng mga nakumpiskang ebidensya ay isinagawa sa presensya ng media representativemula sa Brigada News FM, Daet, at opisyales ng barangay.
Ang naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Mercedes MPS para sa tamang disposisyon, habang inihahanda na ng Investigator-On-Case (IOC) ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kaukulang kasong kriminal laban sa kanya.



Source: CNPPO PIO