HINIHINALANG ILIGAL NA DROGA, BARIL AT MGA BALA, NAREKOBER SA ISINAGAWANG SEARCH WARRANT OPERATION SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN

HINIHINALANG ILIGAL NA DROGA, BARIL AT MGA BALA, NAREKOBER SA ISINAGAWANG SEARCH WARRANT OPERATION SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN

Nitong ika-4 ng Abril, 2025 bandang alas-3:30 ng hapon, isinagawa ng mga tauhan ng Jose Panganiban Municipal Police Station katuwang ang mga operatiba ng Camarines Norte Police Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit ang implementasyon ng isang search warrant sa Purok 2, Barangay Sta. Rosa Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ang operasyon ay isinagawa batay sa Search Warrant Blg. 25D-005-VEJ na inilabas ni Hon.Judge Cornelio M. Roll ng RTC Branch 38, Daet, Camarines Norte noong Marso 28, 2025.

Naaresto sa nasabing operasyon ang suspek na si alyas “Abeng”, 54 taong gulang, may kinakasama, may-ari ng isang sari-sari store at residente ng nasabing lugar. Ang nasabing search warrant ay para sa paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nasamsam mula sa suspek ang di pa matukoy na bigat at halaga ng iligal na droga. Narekober din ang isang (1) hinihinalang kalibre .38 revolver na may limang (5) bala.

Ang naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay nasa kustodiya na ng Jose Panganiban MPS para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.

Source: CNPPO PIO