OPEN DUMPSITE NOON, PWEDE NANG PAGTANIMAN NGAYON!

OPEN DUMPSITE NOON, PWEDE NANG PAGTANIMAN NGAYON!

Makikita sa mga larawan sa ibaba ang dating Open Dumpsite na ngayon ay napakalinis na.

Ito ang dating dumpsite na makikita sa Bayan ng Daet sa Barangay Bibirao. Maaalala na ito ay ipinasara noon upang makahanap ng ibang lugar na mapaglilipatan ng mga basura at gawing Sanitary Landfill, kung saan walang mapeperwisyo at malayo sa mga residente.

Sa pamumuno ng Alkalde ng Bayan ng Daet na si Mayor Benito Ochoa ay nagpapatuloy ang pag papaganda at pag aayos ng nasabing dating Open Dumpsite. Plano at proyekto ngayon ng Lokal na Pamahalaan na sa mga susunod na araw ay maumpisahan na itong pagtaniman ng ibat-ibang klaseng pananim kagaya ng mga gulay.

Camarines Norte News,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *